Itago nalang po natin ang aking pangalan bilang Joruz. Ang kwento ko po sa inyo ay base sa tunay na karanasan na aking pinagdaanan. Ako po ay 34 na taong gulang na ngayon.
Tama yung sinasabi nila na kapag mahal mo ang isang tao, hindi mo na alam kung tama pa ba mga ginagawa mo dahil masyado ka nang nadadala sa mga nararamdaman mo. Nag-send po ako ng story ko dito dahil na-inspired po ako sa mga kwento ng iba.
Isa po akong responsableng anak at kapatid. Bata palang ako ay iniisip ko na kung paano ako makakatulong sa aking mga magulang at kapatid dahil lumaki po kami sa hirap. Ang aking tatay ay nagmamaneho lamang po ng trycicle para may pambaon kaming magkakapatid nung elementary at highschool palang kami. Ang Nanay ko naman po ay nagtitinda at naglalako ng mga fresh na gulay at isda para sa pang-araw-araw naming gastusin sa pagkain. Kapag wala akong pasok ay sumasama ako sa kanya.
Pinalaki kaming magkakapatid ng maayos ng aming mga magulang lalo na yung Tatay namin. Mahilig akong mag-aral dati, mas gusto kong mag-aral kesa maglaro sa labas ng bahay. Naramdaman ko na magka-crush sa babae nung elementary palang ako at nung naging 3rd year highschool na ako ay iba naman ang aking nagugustuhan. Nagka-crush na ako sa isang lalaki. Hanggang sa nagugustuhan ko na siya.
3rd year highschool ako nun at 2nd year highschool naman siya, Jeffrey ang name nya. Hindi ko alam ang nararamdaman ko nung mga panahon nayon dahil parang babae ang tingin ko sa kanya. Madalas ako umupo sa isang puno malapit sa classroom nila. Araw araw ay ganun lamang ang aking ginagawa sa tuwing wala akong klase. Basta masaya lang ako na nakikita siya hanggang naging 4th year highschool na ako ay ganun lang din ginagawa ko.
Hanggang tingin lang ako kay Jeffrey. Ni minsan ay di ko siya kinausap o nilapitan. Natatakot kasi ako na malaman ng mga barkada ko lalo na ng pamilya ko na nagkakagusto ako sa kapwa ko lalaki. Bagamat alam ko na sa sarili ko kung anong uri ang pagkatao ko, hindi ko pa din ito matanggap dahil ayoko masira ang respeto sa akin ng mga kapatid ko at magulang ko. Para maitago ko ito ay madalas ako magkaroon ng girlfriend paiba-iba. kKng minsan dalawang beses na akong muntik ng mag-asawa dahil ayaw na nila umuwi sa kanila.
Dahil sa dami na din ng aking naging girlfriend, ibang iba ang dating ko sa aking mga relatives. Iisang compound lang kasi kami. Natutuwa sila sa akin sa tuwing may inuuwi akong babae sa amin.
Lapitin ako ng babae noong nasa 18 pataas ang edad ko, 5'7 1/2 ang height ko, maputi, chinito at may dimple. Sabi nila gwapo ako, madalas din ako mag-escort sa santa krusan sa bayan namin. Lahat naman nagbabago kahit gaano ka kagwapo, kapag nagkaedad ka na magbabago ito. Kahit gaano kadami naging girlfriend ko dati kahit minsan hindi ako naging masaya.
Nakatapos na akong mag-highschool. Kinausap ako ng mga magulang ko na hindi na nila ako mapag-aaral sa kolehiyo para mabigyang daan ang kapatid ko na babae na magtrabaho sa Japan. Tatlo kasi kaming magkakapatid, ako ang panganay at dalawang babae kapatid ko na pawang parehong magaganda.
Nag-isip ako ng paraan para makapag-aral. Inisip ko na tumira sa mga lolo at lola ko sa Cabanatuan City para doon mag-aral. Sabi naman kasi ng tita ko na tutulungan niya ako, sagot daw niya ang baon ko. Dahil nga responsable ako ay nag-isip ako ng paraan kung paano makakapag-aral at hindi ako nabigo. Dahil mataas ang mga grades ko noong highschool ay nakakuha ako ng full scholarship sa Government ng Nueve Ecija at nakakuha naman ako ng allowance sa City Government ng Cabanatuan. Nakatapos ako ng pag-aaral sa loob ng apat na taon at walang nagastos ang aking mga magulang at naging Cumlaude pa ako.
Naging inspirasyon ako ng aking mga kamag-anak lalo na ng aking mga magulang at kapatid na hindi hadlang ang kahirapan para makapagtapos ng pag-aaral. Ang dami kong papuri sa kanila. Iniwasan ko ang barkada at GF sa loob ng apat na taon at nagfocus sa pag-aaral.
Madaming company ang nag-offer sa akin na sa kanila mag-work pero mas pinili ko ang magtrabaho sa Manila sa paniniwalang doon ako aangat. Lumuwas ako ng Manila sa paniniwalang doon ko matatagpuan ang pag-asenso na maibibigay ko sa aking mga magulang. Dahil nga malakas ang determinasyon ko at responsableng tao ako inalis ko na sa isip ko ang relasyon at barkada. Nagtungo ako ng Manila at nakitira sa apartment ng pinsan ko na Bading.
Mabait at matulungin ang pinsan ko. Kasama nya sa apartment nya yung kaibigan din nya na bading na si Arnel. Si Arnel ay taga Bulacan, naging mabait siya sa akin. Siya ang naggagayak ng pagkain ko at siya din tumutulong sa akin sa pagbibigay ng pamasahe sa aaplayan ko na trabaho. Hindi naman katangkaran si Arnel nasa 5'5 taas niya at may itsura din naman. Tinanong ko siya kung bakit mabait siya sa akin, ngumiti lang siya at hindi ako sinagot sa tanong ko.
Tatlong kumpanya ang inaplayan ko at nakatanggap ako ng mga mensahe sa text na natanggap din ako sa tatlobg kumpanya nayon. Sa lahat ng lakad ko, lagi akong sinasamahan ni Arnel, sobrang bait nya sa akin dahil daw wala akong alam sa Manila kaya siya daw bahala sa akin.
Sa tatlong kompanya na pinasukan ko, SM Harizon plaza ang pinili ko na mag-work. Unang trabaho ko ay Selling Supervisor, kahit wala akong karanasan sa trabaho ay ito agad in-offer sa akin.
Minsan nagyaya ang pinsan ko na mag-inuman daw kaming tatlo. Alexis name ng pinsan ko at magka-age lang kami. Mag-celebrate daw kami sa unang trabaho ko. Hindi ako sanay uminom at magbisyo pero wala na din ako nagawa kasi nahihiya ako sa pinsan ko. Nakakailang tagay palang ako ay nahilo na ako kaya nagpaalam na ako na mauna nang matulog.
Madaling araw na nun, nagising ako dahil may ginagawa sa akin si Arnel. Hinahalikan niya ang katawan ko, sa gulat ko ay nasaktan ko siya, umalis naman din siya agad.
Kinabukasan at sa sumunod pa na araw ay hindi kami nagbabatian. Kinausap ko na siya. Nag-sorry ako, sabi ko na nabigla lang ako. Tinanggap naman niya ang paghingi ng sorry ko at nag-uusap na kami ulit.
Naging magkaibigan kami ni Arnel at mag-close. Siya ang kaunahunahan kong bading na naging kaibigan. Inamin din niya sa akin ang tunay na feelings nya sakin pero hindi ko yun tinanggap. Sabi ko sa kanya na masisira lang ang pagkakaibigan namin at ibaling nalang nya atensyon nya sa iba.
Lumipad ang ilang buwan, umalis na ang pinsan ko at bumalik sa Probinsya. Kami nalang ni Arnel sa Apartment, naging mag-close friends kami. Hindi ko hinayaan na masira pagkakaibigan namin dahil sa nararamdaman nya at wala naman din ako nararamdaman sa kanya.
Inamin ko nadin sa kanya tunay na pagkatao at humanga siya sa akin na kaya ko daw itago iyon, nagulat siya sa sinabi ko. Madalas siya gumimik at lumabas ng bahay kung minsan may mga kasama siyang lalaki pero hinahayaan ko nalang basta gawin nya kung saan siya magiging masaya.
Naging popular ako sa work ko madaming nagkagusto sa akin na babae at mga bading na sales crew. Ganun pa man hindi ako interesado at naka-focus lang sa trabaho ko. Ako ang pinakabata na supervisor sa branch ng SM na yon. Tumagal pa ng ilang buwan naging mag-close kami lalo ni Arnel, nakalimutan din nya ang nararamdaman niya sa akin at masaya siyang nagkwento ng about sa new BF nya at naging masaya ako para sa kanya.
Dahil hindi kalakihan ang sweldo ko sa SM ay minabuti kong lumipat ng ibang company at natanggap ako bilang store manager sa isang kilalang gaming store sa Glorietta Ayala. Isa kasi akong ambisyosong tao at mataas pangarap sa buhay para sa aking pamilya, sila lang iniisip ko at hindi ang sarili ko.
Nang tumagal, na promote ako bilang Area Manager, lumaki ang sahod ko at nakakaipon, unti-unti nakakatulong ako sa aking mga magulang at kapatid. Ako ang nagpaaral sa bunso kong kapatid hanggang sa makapagtapos siya ng kolehiyo.
Unti-unting lumalaki ang savings ko, matipid din naman kasi ako. Walang ibang laman ang isip ko kundi mag-ipon. Wala akong pakialam sa ibang bagay lalo na sa relasyon sa mga panahon na yon kahit madami ang lumalapit sa akin ay hindi ko sila pinapansin.
Naging magkaibigan padin kami ni Arnel. Magkasama padin kami ng apartment, magkaiba nga lang ng room. Madalas nya ako ayain para lumabas para mabigyan ko naman daw ng pansin ang aking sarili subalit hindi ako sumasama dahil gastos lang ito. Minsan naitanong niya sa akin kung wala daw ba ako planong magmahal upang magkaroon ng inspirasyon dahil puro trabaho nalang daw iniisip ko. Sabi ko dadating din ako dyan pero hindi pa sa ngayon, marami pa akong obligasyon sa aking pamilya.
Anim na taon na din ako sa Manila noong mga oras na yon. Sa loob ng anim na taon, puro trabaho lang iniisip at inatupag ko. Malaki na din naitulong ko sa pamilya ko, napagtulungan namin ng kapatid ko na nagtatrabaho sa Japan na maipagawa ang bahay namin. Dahil medyo malaki din bonus at insentives ko, nakaipon din ako para magkaroon ng puhunan sa negosyo.
Hindi nagtagal nakapag bukas ako ng isang restaurant sa Cubao malapit sa Farmers Mall then after 3 Months nakapag-open din ako ng internet cafe sa tabi lang din ng restaurant namin. Naging maganda ang takbo ng negosyo ko dahil sa suporta ng family ko and the sametime may work pa din ako. Yung bunso kong kapatid ang bahala sa internet cafe at ang father ko naman sa restaurant.
One day nagkasakit ako, siguro dahil na din sa sobrang trabaho kaya umuwi muna ako ng Bulacan. Taga doon kasi kami, mga 2 hours lang byahe from Manila.
Isang gabi habang nagpapahinga ako sa bahay, umuulan pa nun, may nadidig ako na kumakatok sa gate namin. Binuksan ni Nanay at nakita nya si Arnel. Dahil matagal ko na din na kaibigan si Arnel. Kilala na din siya ng family ko. Pinapasok siya ni Nanay sa loob ng bahay at lumabas naman ako. Nakita ko siya na umiiyak.
"Joruz tulungan mo ako nasa Hospital ang Ate ko at may sakit ilang araw na kasi siyang nagsusuka at nagtatae ngayon lang namin dinala sa hospital kasi pinauwi ako ng Nanay ko." ang wika ni Arnel na ikinagulat ko.
"Tara puntahan natin." sabi ko kahit masama ang pakiramdam ko.
Pagdating namin ng hospital nakita ko ang Ate nya na kulay violet na ang balat at nanghihina.
"Bakit ngayon nyo lang siya dinala sa Hospital." tanong ko.
"Wala kasi kaming pera." tugon ng Nanay ni Arnel.
"Sige, palista nyo lahat ng kailangan para mabili na agad at magamot na siya." sabi ko.
Nagbigay din ako ng pera kay Arnel para kung may mga bibilhin ay may pera sila magamit.
Paalis na sana ako nang may napansin ako na binatilyo na nagbabantay sa isang pasyente na katabi ng bed ng Ate ni Arnel. Napukaw ang atensyon ko dahil ang gwapo nya, matangkad, maputi at chinito din napatulala ako ng bigla akong tinapik sa balikat ni Arnel.
"Hoy Jo gusto mo siya no?" sabi ni Arnel na nakangiti na nakatingin sa akin. "Bagay kayo pareho kayong singkit."
Hindi ako kumibo at ngumiti na lang.
"Alam ko gusto mo siya, nakikita ko sa mata mo." dagdag pa ni Arnel.
"Yung Ate mo nalang ang isipin mo." sabi ko sa kanya sabay ngiti.
Nagpaalam na din ako para umuwi dahil hindi pa maayos pakiramdam ko.
Dito pala magsisimula ang malaking pagbabago sa buhay ko.
Dahil magaling mag-alaga Nanay ko mabilis ako gumaling at bumalik na ng Manila para ayusin ang trabaho ko at negosyo ko.
Pagkalipas ng isang linggo, tumawag sa phone ko si Arnel, sinagot ko agad iniisip ko baka may problema.
"Umuwi ka ngayon din." sabi nya.
Nagulat ako at tinanong ko kung bakit.
"Basta may sorpresa ako sayo." sagot nya.
Sige after duty ko uuwi ako." tugon ko.
Nagpaalam muna ako sa Tatay ko at bunso ko na kapatid na may pupuntahan muna ako at sila muna ang bahala sa negosyo ko.
Nag-text sa akin si Arnel.
"Nasaan ka na?" tanong nya.
"On the way na ako."
May sinabi siya sa akin na location, bumaba daw ako dun. Nagulat ako.
"Anong gagawin ko dun?" tanong ko sa kanya.
"Basta sumunod ka na lang." sagot nya.
Pagbaba ko sa lugar na sinabi nya nagulat ako may papalapit na matangkad na binatilyo papunta sa akin nakangiti siya. Nagulat ako.
"Parang kilala kita." sabi ko.
"Ako po yung nasa Hospital nung gabi na nagpunta kayo." tugon nya.
Medyo napangiti ako at nag-aalinlangan na nagtanong.
"Ano pangalan mo?"
"CJ po."
"Anong ginagawa mo dito?"
"Susunduin po kita papunta sa amin." natawa ako sinabi nya.
"Nandoon na po yung kaibigan nyo, hinihintay na din po kayo sa bahay."
Sumama na ako papunta sa kanila, mga 10 minutes lang byahe.
Pagdating namin dun sa bahay nila, nakita ko agad si Arnel na sumalubong sa akin. Nakangiti siya.
"Ito ang sorpresa ko sayo dahil alam ko na masyado kang abala sa pagpapayaman wala ka nang oras sa sarili mong kaligayahan."
Nakipagkaibigan na pala si Arnel sa family ni CJ, ginawa daw niya yun nung oras na nasa hospital sila naka-admit kasi yung lola ni CJ nun.
Naghain ng pagkain ang mama ni CJ. Dahil wala naman ulam, ako na yung kusang nagpabili ng pagkain sa bayan. Maliit lang bahay nila CJ at anim silang magkakapayit. Walang trabaho ang mga magulang niya.
Pagkatapos kumain, nagkwentuhan kami ni CJ about sa mga buhay namin at pinagdaanan. Lubos na humanga si CJ sa pinagdaanan ko pati sa tagumpay na natamasa ko. Para akong natutunaw sa tuwing nagkakatitigan kami. Ang ganda ng kanyang mga mata, ilong at labi, parang perpekto na siya at aaminin ko siya ang isa sa pinakagwapo na nakilala ko. 16 years old palang siya nun at ako naman ay 26. Sampung taon ang agwat namin pero dahil hindi naman ako nagpapahuli ng itsura sa kaniya ay parang mga 20 years old palang ako nun hahaha yun ang sabi nila.
Pagkatapos ng medyo mahaba naming kwentuhan ni CJ ay nakaramdam na ako ng antok at doon na kami ni Arnel pinatulog ng mama ni CJ. Magkatabi kami ni CJ sa isang room. Medyo hindi ako komportable kasi first time ko nakitulog na may katabing lalaki.
Paggising namin ng umaga, nakahanda na ang agahan at kami ni CJ ang naunang kumain. Pagkatapos kong kumain at naligo ay nagpaalam na ako dahil madami pa akong gagawin sa Manila. Kinuha ni CJ ang number ko at sinabihan ako ng mama nya na bumalik. Wala pong nangyari sa amin ni CJ nung gabing iyon dahil pagod po ako at wala pang karanasan sa mga ganyan.
Madalas tumawag at mag-text sa akin si CJ, mabait siya, malambing at maaalahanin. Dalawang beses ako bumabalik sa kanila bitbit ang iba't ibang pasalubong, madalas din ako hiraman ng pera ng mama niya pero ok lang, nauunawaan ko naman wala silang hanapbuhay at mapagkukunan ng panggastos.
Pagkaraan ng isang linggo, namatay ang lola niya. Nung nalaman ko yun ay dali-dali akong umuwi sa kanila at nag-stay ng tatlong araw, nagbigay ako ng tulong sa mga magulang nya.
Nakalipas ang ilang linggo nahulog na ako kay CJ, sigurado na ako sa pakiramdam ko na mahal ko na siya. Sa tuwing pupunta ako sa kanila para akong prinsipe sa sobrang ganda ng trato nila sa akin itinuring ako na parang anak ng mga magulang nya.
Isang araw napansin ng Tatay kong namahala sa restaurant namin na madalas ako umaalis. Tinanong niya ako at kung saan ako nagpupunta dahil nagpaalala siya. Nagtanong din ang boss ko sa trabaho dahil napapadalas ang pag-absent ko.
Pagbalik ko sa bahay ni CJ, naikwento ko sa kanya at sa mga magulang nya yung sitwasyon na hindi ako pwede madalas lumibot dahil madami akong gawain sa Manila. Maya maya pa ay dumating si Arnel, may dalang inumin na alak at pulutan. Uminom kami nung gabi na yon, hindi din pala sanay si CJ uminom katulad ko kaya nauna na kaming humiga, inaya na nya ako. Lasing kami pareho, niyakap ako ni CJ at binulong niya sa akin na mahal daw niya ako. Sabi ko sa kanya mahal ko din sya pero bata pa sya. Bigla niya akong hinalikan, nagulat ako dahil sanay na din naman ako na humalik dahil sa mga GF ko dati.
Nadala nadin ako at nag-init sa ginagawa naming dalawa. Hindi ko maipaliwanag ang saya. Para akong nakalutang sa hangin. Sabi ko sa sarili ko na ito na ang pinakasayang araw sa buhay ko. May nangyari sa amin nung gabing yun.
Kinabukasan magpapaalam na sana akong umalis nang makita ko si CJ na nakagayak at nakaimpake ang gamit. Sabi niya sasama daw siya sa akin at kinausap ako ng mga magulang nya na ako na daw ang bahala kay CJ. Pinapaubaya na nila sa akin ang anak nila. Nagulat ako, masayang masaya ako pero paano ko ito ipapaliwanag sa Tatay ko at mga kapatid ko? Sabi ko sa sarli ko bahala na.
Bago kami umalis ni CJ, nagbigay ako ng pera sa parents nya para puhunan. Sabi ko magtayo sila ng isang maliit na negosyo para may mapagkunan sila ng araw-araw na gastos. Masaya ako na umalis kasama si CJ pero kinakabahan ako kung paano haharap sa mga magulang ko at kapatid.
Pagdating ko ng Manila isinama ko muna si CJ sa restaurant namin pinakilala ko siya sa Tatay ko bilang kaibigan, ganun din sa kapatid ko. Tatlo ang room sa apartment ko at meron din kaming inuupahan pa na isa para sa mga trabahador namin na mga pinsan at Tita ko din.
Nakabukod kami ng room ni CJ minsan nagtatanong sa akin yung kapatid ko bakit sobrang close naming dalawa. Minsan bago ako pumasok sa work nahuli kami ng Tatay ko na magkahalikan. Nagalit siya sa akin pati yung kapatid ko, hindi nila matanggap na lalaki din ang gusto ko. Wala na din ako magawa dahil nandun na, isa pa kailangan kong ipaglaban at panindigan ang relasyon namin ni CJ.
Isang araw hindi na makatiis yung Tatay ko, pati yung bunso ko na kapatid sa sitwasyon namin ni CJ kahit di nila itanong alam na nila ang totoo. Umuwi na sila ng Bulacan, hindi na daw nila masikmura yung nakikita sa amin at hindi nila tanggap. Dahil mahal ko si CJ ipinaglaban ko siya kahit masakit man ang kapalit.
Tuluyan na nga umalis sila Tatay, Tita ko at mga pinsan ko nalang ang kasama ko sa negosyo. Napilitan na din akong magresign sa trabaho dahil napapabayaan ko na mga negosyo ko. Yung Tita ko namamahala sa Restaurant, kami naman ni CJ sa internet cafe.
Hindi ko ugali na galawin ang cp ni CJ. Nakita ko na may message siya, nakita ko ang message ni Arnel nabasa ko usapan nila. Nagulat ako na may relasyon din pala sila. Di ko mapigilan na umiyak sobrang sakit. Kinausap ko si CJ sabi ko gusto ko ikaw ang magpaliwanag sa akin ng lahat. Umiiyak ako at inamin nya na may nangyari pala sa kanila dalawang beses na nauna pa sa nangyari sa amin.
Naglasing ako at nagwala nung mga oras nayun. Dahil sa sobrang sakit na naramdaman ko, binasag ko ang lahat ng mga gamit na mahawakan ko. Nagdesisyon ako na maghiwalay na kami dahil umiiyak din siya na nag-sorry sa akin. Nagulat ako sa ginawa niya.
Hiniwa niya ang kanyang pulso, magkabilang braso hanggang sa braso nya ang daming dugo. Natakot ako dadalhin ko dapat siya sa hospital ngunit sabi nya wag dahil ikamamatay nya kung magkakahiwalay kami.
Bigla ako natahimik. Sabi ko sa kanya na pinatawad ko na sya kaya pumayag siya na dalhin ko na sa hospital. Sabi ng Doctor buti umabot kayo madami daw dugo nawala.
Pilit ko inunawa ang nangyari sa kanila ni Arnel, masakit man pero hindi ko kayang patawarin si Arnel. Pinagsamantalahan nya yung sitwasyon at hindi niya iginalang ang pagkakaibigan namin.
Dahil sa nangyari pilit ko na lamang ito kinalimutan. Hindi ko din naman kasi matatanggap na magkakahiwalay kami ni CJ, ipinasok ko siya sa isang Computer School sa Cubao para mag-aral ng kolehiyo. Halos lahat ng mga kinikita ko sa negosyo ay sa kanila ko lang din nadadala. Dalawang beses sa isang buwan ko pinapadalan ang mga magulang ni CJ para sa mga baon ng kapatid nya at gastusin. Wala naman problema sa akin dahil mahal ko si CJ at masaya ako sa tulong na ibinibigay ko sa pamilya nya.
May mga pagkakataon na inuuwi ko si CJ sa bahay namin sa Bulacan pero hindi ito tanggap ng pamilya ko ang sinasabi nila sa akin ay piniperahan lang daw ako ng pamilya ni CJ. Alam ko din naman yun pero mahal ko si CJ at ayoko mawala siya sa akin.
Pagkalipas ng ilang taon ganun padin sitwasyon namin ni CJ sa pamilya ko. Dumating din sa point na pinaoperahan ko ang Mama ni CJ dahil may iniinda itong bukol sa balikat. Halos lahat ng gastos palabas, kakaunti nalang kinikita ng mga negosyo ko.
Alam naman ni CJ na ganun din ang sitwasyon ko sa mga magulang nya pero wala naman din siya magawa. Ang hirap talaga magmahal. 'Ang daming dapat isakripisyo' bulong ko nalang sa sarili ko.
Minahal ko ng buo si CJ dahil ramdam ko din ang sobra niyang pagmamahal. Sabi nya oras na makatapos siya ng pag-aaral, magkaroon ng trabaho ,hindi ko na daw iisipin pa ang pamilya niya.
Hindi alam ng pamilya ko na pinag-aaral ko si CJ. Nilihim ko ito dahil alam kong magagalit sila. Naging popular si CJ sa school nila dahil gwapo siya ang daming magkakagusto sa kanya. Aaminin ko, lahat ng lugar na pinuntahan namin walang hindi nagka-crush sa kanya, kadalasan pa pinipicturan siya ng palihim, nakikita ko lang.
Naging maayos naman ang takbo ng relasyon namin. Masigla din ang sexlife namin, haha. Madalas siya magyaya at kapag di ko napagbigyan magagalit siya sa akin.
Isang araw nag-usap kami at napagdesisyunan namin na mag-ampon. Inampon namin yung anak ng kapitbahay namin ginastusan ko yung bata dahil nanggaling pa ng Cebu. Mag-3 years old na si Manuel nang ampunin namin, malikot at matalinong bata si Manuel, mahal na mahal namin siya ni CJ. Pinalabas ko nalang sa mga magulang ko at kapatid na anak ko sa labas si Manuel. Di naman sila nagtaka dahil magkamuka kami nung bata, sobrang saya ko kasi parang may pamilya na talaga ako.
Ako na yata ang pinakamasayang tao sa buong mundo, may CJ na ako at may Eman, kumpleto na ako.
Alam ko pa din na hanggang ngayon ay di pa rin tanggap ng mga magulang ko at kapatid ang sitwasyon ko. Nagbago ang trato nila sa akin, sabi nga ng bunso kong kapatid hindi ako yung kuya na nakilala nya. Ang sabi sa akin ng Tatay ko mas itinuring ko pa daw na pamilya ang pamilya ni CJ kesa sa kanila.
Buhat naman nung nangyari kay Arnel at CJ wala na akong balita sa kanya dahil kinalimutan ko na din siya. Dumating ang isang araw pinabinyagan ko si Manuel at ang daming tao na dumating. Ang saya dahil pakiramdam ko isa na akong ganap na magulang talaga.
Pagkalipas ng apat na taon nakapagtapos na ng pag-aaral sa kolehiyo si CJ. Hindi ko maipinta ang tuwa sa kanyang mga mata. Dahil din sa sobrang gastos, napilitan na akong isara ang restaurant at mag-focus nalang sa internet cafe. Kaming dalawa ni CJ ang nammahala dun habang wala pa siyang trabaho.
Hindi na din ako gaano makapagbigay sa mga magulang ni CJ dahil mahina na ang kita ng internet cafe.
Dumating na ang sandali na nagkaroon na ng trabaho si CJ, masaya ako para sa kanya. Naramdaman ko din na medyo nagbabago na ang trato sa akin ng mga magulang ni CJ. Siguro dahil wala na akong maipadala na pera sa kanila, may mga punto din na nagkakasagutan kami ng papa nya sa tuwing umuuwi kami sa kanila.
Makalipas ang isang taon ni CJ sa trabaho nararamdaman ko na parang nagbabago na siya. Lagi mainitin ulo nya at laging late umuuwi, inuunawa ko nalang dahil pagod sa trabaho.
Isang araw nagkaroon ng malaking pangangailangan ang pamilya ni CJ. Yung papa nya naaksidente at kailangan ng malaking pera pang hospital kaya napilitan ako na ibenta ang internet cafe para makatulong sa kanila.
Nawala na mga negosyo ko at halos wala na din naipon ko, si CJ nalang at si Manuel ang anak namin ang natitira sa akin. Dahil nagbago na si CJ, anim na taon na din kasi kami nagsasama baka nagsasawa na siya sa isip ko. Minsan habang natutulog siya ginalaw ko ang cp nya nakita ko na may ka-chat siya at karelasyon na nya wala naman ako magawa kundi umiyak.
Inisip ko muna na umuwi sa amin sa Bulacan. Nagpaalam ako kay CJ at agad naman siyang pumayag. Pag-uwi ko sa bahay namin sinalubong ako ng anak ko at niyakap ako naluha ako kasi namiss ako ng anak ko. Umupo ako sa tumbatumba at tumingin sa malayo. Nilapitan ako ng Tatay ko.
"Anak, may problema ka ba? Nag-away ba kayo." tanong ni Tatay.
Sumagot ako na hindi at bahagya akong naluha.
"Anak, kung mahal mo sya, balikan mo." sabi ni Tatay.
Nagulat ako sa sinabi ni Tatay alam ko na ayaw nya kay CJ pero mas nangibabaw ang pagmamahal nya sa akin bilang anak.
Inopen din sakin ni Tatay lahat. Alam pala nila na pinag-aaral ko si CJ, sinusustentuhan ang mga magulang nya, pati pagpapahospital ko sa mama at papa ni CJ alam nila. Alam din nila na wala na akong ipon at mga negosyo. Ang sinabi pa sa akin ni Tatay na nagpaiyak sakin.
"Anak sundin mo ang puso mo kung saan ka masaya. Masaya din kami kung saan ka masaya."
Natanggap nila si CJ sa huling pagkakataon.
Bumalik na ako ng Manila wala si CJ sa bahay at hindi siya umuwi kinabukasan na. Nung pag-uwi nya, galit pa siya at ang sabi nya bakit umuwi pa daw ako at nung nagbihis siya nakita ko may kissmark sa dibdib nya. Tumahimik nalang ako at di kumibo. Nagising ako ng umaga may kausap si CJ sa cp nya, ang papa nya, nadinig ko na pinaghihiwalay na kami ng papa nya at wala na daw mangyayari dahil wala na akong pera. Umalis na si CJ pumasok na sa work at naiwan ako na umiiyak.
Hindi ko alam kung paano magsisimula o paano aahon, nalugmok na ako.
Minsan isang araw inabangan ko si CJ umuwi galing work. Hindi siya umuwi, nakita kong may sumundo sa kanya na naka-car, old guy at hinalikan siya sa pisngi at umalis na sila.
Nagdesisyon na ako na hiwalayan na si CJ dahil may iba na siya at nagbago na siya, hanggang dun nalang talaga siguro kami. Sobrang sakit man, pero kailangan kong gawin yun para sa sarili ko at anak ko.
Kinausap ko si CJ nang masinsinan, ipinaliwanag ko na sa kanya lahat pati ang nalalaman ko. Wala siyang reaksyon, dedma lang. Sabi ko sa kanya nakapagdesisyon na ako na maghiwalay na kami at ayokong mahirapan sya, ganun na din ako. Tumango lang siya sa akin at inayos na mga gamit nya.
Lumabas nalang ako nang umiiyak di ko kayang makita na umaalis siya. After 2 hours, wala na siya umalis na siya. Nag-text siya sa akin.
"Hinding hindi kita makakalimutan, habang nakadikit sa braso ko ang tatoo ng pangalan nating dalawa hindi kita makakalimutan. Parte ka na ng buhay ko, gagawin ko ito para sa pamilya ko."
"Mag-iingat ka at wag mo pabayaan sarili mo mahal na mahal kita." ang tanging nasabi ko lang.
Nagreply uli siya at ang sabi nya yung nakita ko daw na sumundo sa kanya ay Boss nya at magkarelasyon sila. Hindi na ako nag-reply. Inisip ko nalang na siguro yun ang way nya para matulungan pamilya nya ang kumapit sa patalim inunawa ko nalang. At sinabi sa sarili ko na kahit isa wala siyang maritinig na masakit na salita sa akin dahil bukal sa puso ko ang lahat ng itinulong ko sa kanya.
Pagkaraan ng isang buwan, natanggap na ako muli sa bagong trabaho. Sabi ko sa sarili ko, kailangan kong bumangon para sa anak ko. Naging masaya naman pamilya ko sa naging aksyon ko sa buhay.
Isang araw tumawag sa akin ang Nanay ko, kailangan ko daw umuwi dahil may lubhang sakit ang anak ko. Umuwi ako agad, naabutan ko sa hospital ang anak ko, umiyak ako sa nakita ko. Sinabi ng Doctor na dalhin na daw namin agad sa Manila para maagapan agad. May sakit pala sa puso ang anak ko at malala na ito, dinala namin siya sa NCH at isang linggo lang ay binawian na siya ng buhay. Ano pa ba ang dapat kong malaman, ano pa ba ang dapat kong reaksyon. Hindi ko na kinakaya ang sakit nagwawala ako sa burol ng anak ko. Nawala na si CJ, pati anak namin nawala na din.
Pagkaraan ng ilang buwan tanging ang tatay ko lamang at pamilya ko ang sumoporta sa akin. Ayaw nila akong paalisin sa bahay para maipasyal nila at kahit papaano ay panandalian na makalimutan ang mga problema sa buhay ko.
Pilit ako nagpakatatag, lumaban ako para na din sa pamilya ko at sarili ko. Hindi ako pumayag na magupo ng mga pinagdaanan ko, nagpakatatag ako at pilit na nilalakasan ang loob para sa pamilya ko. Gusto kong makabawi sa mga pagkukulang ko sa kanila.
Nagdesisyon ako na mag-abroad para magsimula muli at magbagong buhay. Gusto ko din makalimutan ang lahat ng mga pinagdaanan ko sa buhay. Gagawin ko ito para sa pamilya ko.
Nitong nakaraan na July 5, namatay ang Tatay ko kaya umuwi ako ng Pinas. Si Tatay ang isa sa pinakamahalagang tao sa buhay ko na pinagkukunan ko ng lakas. Hindi niya ako pinabayaan sa lahat ng mga pinagdaanan ko. Ayaw na ayaw ni Tatay na umiiyak ako.
Sa lahat ng mga pinagdaanan ko sa buhay, ano pa ba ang mas sasakit sa mga pinagdaanan ko pero alam ko nalulungkot ang anak ko at tatay ko kapag sumuko ako, kaya pagkatapos ng libing ni Tatay bumalik uli ako ng abroad. Isang taon na ako dito at mataas na din ang posisyon ko.
May naipon na din ako pera para pag-uwi ko ng Pinas magsisimula uli ako. Ang huling balita ko kay CJ ay may asawa at anak na siya at masaya ako para sa kanya. Hindi ko na din mahal si CJ at wala din akong galit sa kanya at sa pamilya nya.
Ang mahalaga sa akin ngayon ay magsimula muli at bumangon. Gusto kong mahigitan pa ang nagawa ko noon, dahil alam ko na magiging masaya si Tatay at ang anak ko kapag nagtagumpay ako sa buhay na ito.
Sana po ay may natutunan kayo sa pag-share ko ng story ko. Hangang ngayon ay single ako after ni CJ hindi na ako nakipagrelasyon dahil kailangan ko muna mahalin sarili ko bago ang iba. Hindi masama ang magmahal, ang masama lang yung ibigay mo lahat pati para sa sarili mo. Sarili mo muna, pangalawa pamilya, sila muna bago ang iba dahil sa bawat patak ng luha mo sila lang ang magpupunas nito para sa inyo.
Maganda ang story. Naka inspire..
ReplyDeleteAng panget Ng kwento pang elementary
ReplyDeleteGwapo ni Denver Hernandez
ReplyDelete