Skip to main content

Posts

Showing posts from August, 2018

Ang Maling Pag-ibig

Itago nalang po natin ang aking pangalan bilang Joruz. Ang kwento ko po sa inyo ay base sa tunay na karanasan na aking pinagdaanan. Ako po ay 34 na taong gulang na ngayon. Tama yung sinasabi nila na kapag mahal mo ang isang tao, hindi mo na alam kung tama pa ba mga ginagawa mo dahil masyado ka nang nadadala sa mga nararamdaman mo. Nag-send po ako ng story ko dito dahil na-inspired po ako sa mga kwento ng iba. Isa po akong responsableng anak at kapatid. Bata palang ako ay iniisip ko na kung paano ako makakatulong sa aking mga magulang at kapatid dahil lumaki po kami sa hirap. Ang aking tatay ay nagmamaneho lamang po ng trycicle para may pambaon kaming magkakapatid nung elementary at highschool palang kami. Ang Nanay ko naman po ay nagtitinda at naglalako ng mga fresh na gulay at isda para sa pang-araw-araw naming gastusin sa pagkain. Kapag wala akong pasok ay sumasama ako sa kanya. Pinalaki kaming magkakapatid ng maayos ng aming mga magulang lalo na yung Tatay namin. Mahilig ako