Skip to main content

Kwentong Coffee Shop - Boarding House

Maraming beses na rin ako nakakatambay sa isang coffee shop na paboritong tambayan ng mga officemate ko. Hindi naman ako mahilig sa kape pero dahil doon ang madalas nilang puntahan lalo na pagkatapos ng isang gimik ay napapasama na rin ako sa kanila. Kahit ganoon pa man ay hindi pa ako nagpunta doon sa mag-isa lamang. Hanggang sa isang gabi ay napilitan akong pumunta doon hindi lamang para magkape kundi mag-surf sa internet. Nag-oovertime ako kasi isang gabi ng biglang magdown ang internet server sa office namin. Wala na ang mga tao sa IT department namin na nakakaalam kung ano ang dapat gawin sa server namin. Naisipan ko na lamang na pumunta doon sa coffee shop na iyon upang mag-internet. Alam ko kasi na pwede doon mag-internet. Kailangan ko lamang bitbitin ang aking laptop computer. Kailangan ko kasi ma-email sa abroad ang mga ginagawa ko pagnatapos ko na ang ito.

Hindi naman gaanong matao sa coffee shop ng mga oras na iyon. Matapos akong umorder ng kape ay naupo ako sa pinakasulok sa isang mesang pangdalawahan lamang. Doon ang pinili ko para walang makakita sa kung ano man ang ginagawa ko sa computer at para walang istorbo na rin. Di nagtagal ay padami ng padami ang mga tao doon. Halos mapuno ang loob at labas ng coffee shop. Patapos na ako sa aking ginagawa ng biglang may nagpaalam na kung pwede daw siyang maki-share sa table na gamit ko. Sinulyapan ko lamang siya at sinabing okey lang na share kami sa table. Busy kasi ako sa aking ginagawa. Muli ko lang siyang tinignan ng itupi ko na ang computer ko.

“Mukhang busy ka pare.” ang bungad ng lalaking tumabi sa akin.

“Medyo. Kailangan lang kasi ang mga ginawa ko sa principal office namin sa US.” ang tugon ko naman.

Noon ko nalaman ng isang gwapong lalaki ang ka-share ko sa table. Naka-business attire ito at talaga naman maamo ang mukha. May ilan na rin ako karanasan sa same sex at itong kaharap ko ang biglang bumuhay ng aking dugo na maranasan muli ang ganoon.

“By the way, I’m Carl.” ang pakilala ng lalaki.

“What a coincidence. Carl din ang name ko.” ang nasabi ko naman.

Bigla kaming nagtawanan ng malaman naming na magkapangalan pala kaming dalawa.

“Carlito….. Carlito San Juan ang full name ko.” ang pagpapakilala na naman ng lalaki.

“Mine is Carl James Co.” ang pagpapakilala ko naman.

Nagpatuloy ang usapan namin. Pati kung saan kami nagwo-work at kung anu-ano pa. Masarap siyang kausap at nagkapalagayang loob kami kahit noon pa lamang kami nagkita. Naiba ang topic namin ng may naupong mga artista sa isang mesa sa labas ng coffee shop na katapat ng mesa namin. Salamin lamang ang pagitan namin kaya kitang kita naming sila.

“Mahilig ka pala sa mga artista.” ang nasabi ni Carl ng makita niya na panay ang tingin ko sa mga artista.

“Hindi naman.Syempre curious lang ako na makita sila ng personal.” ang pagtanggi ko naman.

Nagtaka ako ng nangingisi siya na para bang may masasayang bagay na naaalala.

“Pare, parang tuwang tuwa ka din sa mga artista.” ang biro ko sa kanya.

“Wala pare. May naalala lang ako tungkol sa tulad nila.” ang sabi ni Carl sabay tawa ng mahina.

Kinulit ko sya ng kinulit hanggang sa maramdaman kong magkwekwento na siya tungkol sa naaalala niya sa mga artista.

“Yang macho na artista na yan. Baka akala lang natin na ganoon talaga siya. Pero sa totoong buhay ay may pagkaberde din ang dugo.” ang nasabi ni Carl sabay tawa.

“Anong ibig mong sabihin?” ang pag-uusisa ko naman.

“Huwag na lang. Parang nakakahiyang ikwento.” ang nasabi ni Carl.

“Ikaw naman ayaw mo pang ikwento ng tuluyan. Eh nasimulan mo na rin naman.” ang pagpipilit ko sa kanya.

Hindi pa rin nagpatuloy sa pagkwekwento si Carl. Parang alam ko na ang nais niyang ikwento. Ang karanasan niya sa kapwa lalaki. Kaya naman ako na mismo ang nagtapat sa kanya na may karanasan na rin ako sa kapwa lalaki. Mas lalong natawa si Carl. Subalit iyon ang naging hudyat upang isalaysay niya ang kanyang karanasan sa isang artista.

Bagong graduate sa college si Carl ng makipagsaparalan siya sa Maynila. Kasama niya ang kanyang pinsan na naghanap ng trabaho sa Maynila. Syempre galing probinsya kaya ang una nilang hinanap ay ang matitirahan. Nakahanap sila ng paupahang kwarto sa may Sampaloc. Dati itong apartment na hinati-hati pa sa maliliit na silid upang paupahan. Ang bungad na silid ang nakuha nilang magpinsan. Sa unang palapag na iyon ay mayroon pang isang silid paupahan, maliit na kusina, palikuran at patuyuan ng mga damit sa may bandang likuran. Sa itaas naman ay may dalawa ring silid na mas malaki kaysa mga silid sa ibaba. Ayaw nilang magpinsan na makisama pa sa ibang boarders doon kaya minabuti na lamang nilang solohin ang bakanteng silid sa ibaba.

Sa unang linggo nila doon ay nakilala nila ang mga nangungupahan doon na pawang mga kalalakihan na karamihan ay mga estudyante. Subalit ang nangungupahan sa katabing silid nila ay hindi pa nila nakikita. Ang paliwanang ng may-ari sa kanila ay isa daw siyang artista. Kapag may ginagawang pelikula ay hindi nakakauwi ng ilang linggo. Sa unang linggo din nila sa Maynila ay nakahanap din ang magpinsan ng kanya-kanyang trabaho. Sa isang call center nakapagtrabaho ang kanyang pinsan. Samantalang siya ay sa isang bangko. Sa araw nagtatrabaho si Carl. Samantalang ang pinsan niya ay panggabi. Halos hindi na nagkikita ang magpinsan ng magsimula silang magtrabaho.

Isang araw sa pag-uwi ni Carl sa tinitirahan nila ay nakaramdam siya ng matinding init. Minabuti niyang maligo agad sa kanyang pagdating. Alam ni Carl na wala pang gaanong tao sa boarding house na iyon kaya naman tinungo niya ang palikuran na naka-brief at nakatapis ng tuwalya lamang. Balak talaga niyang maligo ng nakabrief lamang na hindi niya nagagawa sa araw-araw dahil may kasabayan siya sa palikuran sa umaga. Kaya lagi siyang naka-boxer shorts kung maligo. Laking gulat niya ng pagpunta niya sa palikuran ay may isang lalaki na naliligo na roon. Di niya ito kilala. Gwapo ang lalaking ito at maganda ang pangangatawan. Tanging puting brief ang suot nito na dahil basang-basa na ay bakat na bakat ang kanyang sandata. Tiyak na may kalakihan ang sandata ng lalaking iyon. Kahit kasi malambot pa ito ay namumukol na sa kanyang harapan.

“Hi pare. Ako nga pala si Fernan.” ang pakilala ng lalaki kay Carl.

“Carl naman name ko.” ang pakilala naman ni Carl sabay abot sa kamay ni Fernan at nagkamayan ang dalawa.

Ilang beses na rin may nakasabay sa paliligo si Carl sa palikurang iyon na brief din ang tanging suot. Subalit parang kakaiba ang kanyang naramdaman ng makita niya ang ayos na iyon ni Fernan. Hindi iyon maipaliwanang ni Carl sa kanyang sarili. Nahihiya siya sa ayos ni Fernan pero parang nais niya itong pagmasdan. Naalala na lamang ni Carl na maliligo siya ng sunud-sunod na nagbuhos ng tubig si Fernan.

“Oh akala ko ba ay maliligo ka rin?” ang tanong ni Fernan.

“Oo nga pala.” ang tanging naisagot ni Carl.

Naalala din ni Carl na tanging brief din ang kanyang suot. Nakaramdam siya ng hiya kay Fernan. Subalit baka iba ang isipin ni Fernan sa kanya. Kaya naman inalis niya ang nakatapis na tuwalya at nagsimula na rin siyang magbuhos ng tubig katabi ni Fernan. Habang naliligo siya ay napapangiti si Fernan sa tuwing mapapatingin ito kay Carl. Noon napansin ni Carl na medyo tumitigas na ang kanyang alaga. Bakat na bakat na rin ito sa basa niyang brief. Ayaw pahalata ni Carl kaya binalewala lamang niya ito at nagpatuloy siya sa paliligo. Nang matapos na si Fernan ay kinuha nito ang kanyang tuwalya. Pinunasan ang sarili na nakaharap pa rin kay Carl habang nagkwekwento tungkol sa naranasan niya sa kaniyang shooting. Mas lalong napatingin si Carl kay Fernan ng bigla nitong hubarin ang basag brief. Kitang-kita ni Carl ang hubo’t hubad na katawan ni Fernan habang patuloy pa rin ito sa pagpupunas. Mukhang balewala naman kay Fernan na matunghayan ni Carl ang kanyang pagkalalaki. Matapos malabhan ang basang brief ni Fernan ay nagpaalam na ito kay Carl. Nagtapis siya ng tuwalya bago lumabas ng palikuran. Nagpatuloy naman si Carl sa kayang paliligo.

Nang gabing iyon ay agaw-antok na si Carl na nakahiga sa kama ng biglang may narinig siyang kumakatok sa pintuan ng kanyang silid.

“Carl, Carl, gising ka pa ba?” ang tanong ng kumakatok sa pinto.

Hindi niya mabosesan ang kumakatok kaya di niya ito sinagot agad. Bumangon siya. Binuksan ang ilaw ng silid at binuksan din ang pinto. Nakita niya doon si Fernan na nakatayo suot lamang ang maikling shorts na maluwag at may kanipisan ang tela. Wala itong pang-itaas at halata na pawisan ito.

“Sobrang init sa kwarto ko. Mainiit din ang ibinubuga ng electricfan ko. Baka pwede na dito muna matulog sa kwarto nyo. Kahit dyan ako sa sahig. Mas presko kasi dito sa silid na ito.” ang bungad ni Fernan.

“Ah…..eh….. mainit din naman dito ah.” ang naisagot ni Carl.

“Mas mainit sa kwarto ko. Dito may mga bintana na pwedeng pasukan ng hangin. Sa akin ay wala.” ang dugtong pa ni Fernan.

“Sige pasok ka.” ang sagot naman ni Carl.

“Kukuha lang ako ng banig at pwede na ako dito sa sahig matulog.” ang paalam sana ni Fernan.

“’Wag na. Maluwag naman itong kama. Pangdalawahan naman ito. Kaming magpinsan ang gumagamit nito.” ang alok ni Carl kay Fenan.

“Kung okey lang sa iyo eh mas okey nga matulog dyan.” ang sabi naman ni Fernan. “Tara na matulog.” ang dugtong ni Fernan.

Nahiga si Fernan sa tabi ng bintana at sumunod naman si Carl matapos patayin ang ilaw ng silid. Tanging ilaw sa poste sa tapat ng apartment ang nagbibigay liwanag sa parte ng kamang kinahihigaan ni Fernan. Nawala ang antok ni Carl ng mga sandaling iyon. Nang makarinig siya ng mahihinang hilik ni Fernan ay lumakas ang loob niyang pagmasdan ang katabi. Napakaganda ng hubog ng katawan nito at sa dibdib ay manipis na balahibo na medyo kumakapal pababa sa kanyang pusod. Dahil nakatihaya si Fenan at dahil sa kanipisan ng suot na shorts ay naaninag ni Carl ang alaga nito. Wala itong suot na brief. Napako ang mga mata ni Carl sa parte nb katawan na iyon ni Fernan. Napabuntong hininga si Carl. Bigla na lamang kinuha ni Fernan ang kaliwang palad ni Carl at idinampi sa kanyang harapan.

“Sige lang. Gawin mo ang nais mong gawin dyan.” ang biglang nasabi ni Fernan.

“Sorry. Wala akong nais gawin sa iyo.” ang pagpapaumanhin ni Carl.

“First time mo ba?” ang tanong ni Fernan.

Di makasagot si Carl.

“Sige tuturuan kita.” ang dugtong nanam ni Fernan.

Humarap si Fernan kay Carl. Sinimulan niya itong halikan sa labi. Ayaw ibuka ni Carl ang mga labi. Subalit naging mapilit si Fernan. Sa wakas ay nagparaya din si Carl. Bumuka din ang kanyang bibig at noon naipasok ni Fernan ang dila. Nag-espadahan ang kanilang mga dila habang ang isang kamay ni Fernan ay ginagalugad ang katawan ni Carl. Ipinasok ni Fernan ang kanang kamay sa loob ng shorts ni Carl upang mahawakan ang tigas na tigas ng alaga ni Carl. Hinimas-himas iyon ni Fernan. Labis namang ikinatuwa iyon ni Carl. Tumigil si Fernan sa kanyang ginagawa. Inalis niya ang tanging suot na shorts. Inalis din niya ang suot na sando ni Carl. Pati ang shorts at brief ni Carl ay inalis din nito. Binalikan niya ang paghalik sa mga labi ni Carl. Nang magsawa siya doon ay bumaba ang halik nito sa dibdib ni Carl hanggang sa maabot nito ang alaga ni Carl. Bago niya isinubo ang alaga ni Carl ay dinilaan muna niya ang mga singit ni Carl pati ang mga bola sa pagitan ng mga binti ni Carl. Mas lalong nasarapan si Carl sa ginagawang iyon ni Fernan.

Di nagtagal ay isinubo ni Fernan ang kabuuan ng alaga ni Carl. Ito ang lalong nagpatindi ng kakaibang ligaya kay Carl. Naglabas pasok sa bibig ni Fernan ang tigas na tigas na alaga ni Carl. Ilang sandali pa ay biglang pumilandit ang katas ni Carl. Nang malasahan iyon ni Fernan ay iniluwa niya agad ang alaga ni Carl. Sinalsal na lamang niya ito hanggang sa matapos labasan si Carl. Nagpaumanhin si Carl sa maaga nitong pagpapaputok.

“Okey lang yun. Ang tamis naman ng katas mo. Sariwang-sariwa pa.” ang tugon naman ni Fernan. “Ikaw naman ang sumuso ng tarugo ko.” ang pakiusap ni Fernan.

“Hindi ako marunong nun.” ang sagot ni Carl.

“Madali lang iyon. Para ka lamang kumakain ng lollipop.” ang sabi naman ni Fernan.

Naging sunud-sunuran si Carl kay Fernan. Pinaupo ni Fernan si Carl sa gilid ng kama at tumayo naman siya sa harapan nito. Itinutok ang alaga sa bibig ni Carl. Bumuka ang bibig ni Carl at hinayaang ipinasok ni Fernan ang alaga dito. Naglabas pasok ang malaking sandata ni Fernan. Sarap na sarap na sana si Fernan ng biglang.

“Aray, sumasabit sa ngipin mo ang junior ko.” ang biglang nasabi ni Fernan.

“Pasensya ka na. Hindi talaga ako marunong.” ang pagpapaumanhin ni Carl.

“Mabibitin ako nyan eh. Sige na nga salsalin mo na lang ako.” ang pakiusap ni Fernan kay Carl.

Nahiga muli ang dalawa na magkatabi. Sinimulang salsalin ni Carl si Fernan. Subalit paminsan minsan ay sinusubo pa rin niya ang tarugo ni Fernan. Hanggang sa labasan na si Fernan. Matapos labasan si Fernan at mapunasan ang sarili ay natulog na ang dalawa.

Nang sumunod na gabi ay muling nangyari ang pagtatalik ng dalawa. Akala ni Carl ay gabi-gabi na nilang gagawin iyon. Subalit muling ipinatawag si Fernan ng kanyang manager dahil may shooting daw siya. Ilang araw na naman nawala si Fernan. Sa gabing nag-iisa si Carl ay naiisip niya iyong dalawang beses na ginawa nila ni Fernan. Hindi naman siya bakla at kung bakit nagawa niya iyon. Labis ba siyang humahanga kay Fernan o talagang may dugong berde din siya. Naging palaisipan sa kanya ang mga bagay na iyon na una niyang naranasan sa loob ng BOARDING HOUSE na una niya tinuluyan sa Maynila.

Makalipas ang ilang linggo pa ay nalaman na lamang ni Carl na lumipat na ng tirahan si Fernan. Nang mag-showing ang pelikula na kinabibilangan ni Fernan ay pinanood niya ito. Isa itong seksi movie na karamihan sa manonood ay mga bading. Kahit nahihiya si Carl na pasukin ang sinehan ay kinapalan na lamang niya ang kanyang mukha malaman lamang kung anong klaseng artista si Fernan. Maliit lang ang role nito sa pelikula. Isa itong call boy at macho dancer. May eksena itong nakikipagtalik sa girlfriend niyang call girl at meron din eksena na nakikipagtalik siya sa isang bading. Sa wari ni Carl ay naging ensayo ni Fernan ang kanilang pagtatalik para maging makatotohanan ang eksena sa pelikula. Simula noon ay wala ng narinig na balita si Carl tungkol kay Fernan at wala na rin itong nabalitaang sumunod na pelikula nito.

May ikwekwento pa sana si Carl ng may biglang dumating na magandang babae. Biglang napatayo si Carl at humalik sa labi ng babae.

“Syanga pala, misis ko, si Brenda.” ang pakilala ni Carl sa akin.

“Hi, Brenda. Nice meeting you. By the way, my name is the same as your husband’s.” ang nasabi ko naman agad.

“Ganun ba! Nice meeting you too, Carl.” ang tugon naman ni Brenda.

“Sige pare, di na kami magtatagal. May dadaanan pa kami ni misis. Here’s my card just in case may kailangan ka sa bank na pinapasukan ko.” ang paalam ni Carl.

“Okay, here’s my card naman.” sabay bigay ko ng calling card ko.

Ilang sandali pa ay nag-iisa na naman ako sa aking mesa. Isang bagong kaibigan. Isang bagong kwento. Sana next time na magkakape ako sa coffee shop na ito ay meron na naman isang bagong kaibigan at isang bagong kwento.

Makalipas ang ilang araw ay muli kaming nagkita ni Carl sa coffee shop na iyon. Subalit hindi na kami nakapagkwentuhan dahil nang i-dare ko siya na pumunta kami sa isang motel ay game agad siya.

WAKAS

Comments

  1. Citizen EcoDrive Titanium Watch with Pro-Durant Parts
    Citizen Carbon-Arts has an black titanium eco-friendly model titanium jewelry in its watches. The device t fal titanium is titanium damascus knives made of premium titanium legs stainless steel and features a

    ReplyDelete
  2. There is also be|can be} a system of "levels" and "tiers" to unlock as gamers spend and win extra. Higher tiers include larger potential winnings and larger bets, which makes it easier to lose chips sooner. Several folks stated they felt the apps were engineered to keep them spending cash in a variety of|quite so much of|a wide range of} ways, together with tiered clubs for gamers who spend important amounts of money and free chips for individuals who try to quit. NBC News spoke to 21 folks, together with Shellz and her husband, who stated they were hooked on the casino-style video games and had spent important sums of money. They described emotions of helplessness and eager to quit 온라인카지노 however found themselves addicted to the video games and tempted by the corporate's aggressive marketing tactics.

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular Posts

My Hearty

By: Akhi Ryu Go We started out as bestfriends. From the very first time he already knew that I was gay. We first met at a treehouse by the forest and eversince then, everyday kami nagkikita doon. Lahat ng bagay pinag uusapan namin and since mag best friend kami. We also share our secrets to each other. One day, napag-usapan namin about sa lovelife namin. Clarence: So nagkaron ka na ba ng boyfriend noon? Harron: Nako, I haven't got any since birth. I guess I'm not ready for it. I'd like to focus on my studies and I think ang pag boboyfriend ay nakaka sagabal lang. How about you? ever had girlfriends? Clarence: I've had a few from the past. All of them, seryosong relasyon. Pero madalas ako yung niloloko. Until I met you. Di na ako nagka girlfriend. Harron: Oh come on Beanie wag ako. You make it sound like pinipigilan kitang mag girlfriend. I'm just your bestfriend and I know you're straight. Clarence: Haha I knew you'd say that. Pero alam mo he...

The Engineer

Nakatira kami sa isang exclusive subdivision sa parteng norte ng Metro Manila. Kahit exclusive ang subdivision namin ay di naman ganoon kayaman ang mga nakatira dito. May kalumaan na rin ang subdivision namin pero marami pa ring bakanteng lote. Ang mga lote sa harapan, likuran at tagiliran ng aming bahay ay puro bakante pa. Iilan lamang ang mga bahay kalyeng kintatayuan ng bahay namin. Ako na lamang ang nakatira sa aming bahay kasama ko ang yayang nag-alaga sa akin simula ng bata pa ako na si Manang at asawa nitong si Manong. Nasa US na ang aking nakatatandang kapatid at ang aking mga magulang. Ganoon lagi ang senaryo sa aming kapaligiran kapag umuuwi ako ng bahay, tahimik at halos wala kang makitang taong gumagala sa kalsada. Tinatapos ko na lang ang kurso ko bilang doctor bago ako sumunod sa US. Subalit nagbago ang lahat ng biglang may nagpatayo ng bahay sa bakanteng lote sa tabi ng bahay namin. Syempre noong una ay inis na inis ako dahil sa ingay ng mga trabahador na sinasabayan...