Maraming beses na rin ako nakakatambay sa isang coffee shop na paboritong tambayan ng mga officemate ko. Hindi naman ako mahilig sa kape pero dahil doon ang madalas nilang puntahan lalo na pagkatapos ng isang gimik ay napapasama na rin ako sa kanila. Kahit ganoon pa man ay hindi pa ako nagpunta doon sa mag-isa lamang. Hanggang sa isang gabi ay napilitan akong pumunta doon hindi lamang para magkape kundi mag-surf sa internet. Nag-oovertime ako kasi isang gabi ng biglang magdown ang internet server sa office namin. Wala na ang mga tao sa IT department namin na nakakaalam kung ano ang dapat gawin sa server namin. Naisipan ko na lamang na pumunta doon sa coffee shop na iyon upang mag-internet. Alam ko kasi na pwede doon mag-internet. Kailangan ko lamang bitbitin ang aking laptop computer. Kailangan ko kasi ma-email sa abroad ang mga ginagawa ko pagnatapos ko na ang ito. Hindi naman gaanong matao sa coffee shop ng mga oras na iyon. Matapos akong umorder ng kape ay naupo ako sa pinakasul...
Best of Pinoy Gay Short Stories