By: Arkinberg "Sorry, Matt, pero hindi kasi kita kayang mahalin" ang sabi nya sa akin at nalungkot ako nang marinig ko ito mula sa kanya. Hindi ako masyadong panatiko ng pag-ibig dati. Para kasi sakin dati ay para sa mga babae at lalaki lang ito. Kahit na mahilig ako magbasa at manood ng mga pelikula na love story at lalong hindi naman ako umasa na magiging ganun ang buhay pag-ibig ko. Sa buong buhay ko kahit papaano ay umasa din naman ako na merong isang tao na para sa akin, kung kelan sya dadating ay hindi ko alam. Sinubukan ko din namang hanapin, nandyan yung nagregister ako sa isang social networking site para sa mga gays at bisexuals. Nakakilala naman ako ng ilan, pero kadalasan hindi nila ako nagugustuhan, yung iba naman puro libog lang. Inisip ko na lang na kung meron talaga para sa akin ay darating sya, kung meron man talaga. Nakatapos ako bilang isang nurse at nagtrabaho sa isang ospital sa Quezon City at dito ko din nakilala ang one great love ko. "In...
Best of Pinoy Gay Short Stories