Maraming beses na rin ako nakakatambay sa isang coffee shop na paboritong tambayan ng mga officemate ko. Hindi naman ako mahilig sa kape pero dahil doon ang madalas nilang puntahan lalo na pagkatapos ng isang gimik ay napapasama na rin ako sa kanila. Kahit ganoon pa man ay hindi pa ako nagpunta doon sa mag-isa lamang. Hanggang sa isang gabi ay napilitan akong pumunta doon hindi lamang para magkape kundi mag-surf sa internet. Nag-oovertime ako kasi isang gabi ng biglang magdown ang internet server sa office namin. Wala na ang mga tao sa IT department namin na nakakaalam kung ano ang dapat gawin sa server namin. Naisipan ko na lamang na pumunta doon sa coffee shop na iyon upang mag-internet. Alam ko kasi na pwede doon mag-internet. Kailangan ko lamang bitbitin ang aking laptop computer. Kailangan ko kasi ma-email sa abroad ang mga ginagawa ko pagnatapos ko na ang ito. Hindi naman gaanong matao sa coffee shop ng mga oras na iyon. Matapos akong umorder ng kape ay naupo ako sa pinakasul
Nakatira kami sa isang exclusive subdivision sa parteng norte ng Metro Manila. Kahit exclusive ang subdivision namin ay di naman ganoon kayaman ang mga nakatira dito. May kalumaan na rin ang subdivision namin pero marami pa ring bakanteng lote. Ang mga lote sa harapan, likuran at tagiliran ng aming bahay ay puro bakante pa. Iilan lamang ang mga bahay kalyeng kintatayuan ng bahay namin. Ako na lamang ang nakatira sa aming bahay kasama ko ang yayang nag-alaga sa akin simula ng bata pa ako na si Manang at asawa nitong si Manong. Nasa US na ang aking nakatatandang kapatid at ang aking mga magulang. Ganoon lagi ang senaryo sa aming kapaligiran kapag umuuwi ako ng bahay, tahimik at halos wala kang makitang taong gumagala sa kalsada. Tinatapos ko na lang ang kurso ko bilang doctor bago ako sumunod sa US. Subalit nagbago ang lahat ng biglang may nagpatayo ng bahay sa bakanteng lote sa tabi ng bahay namin. Syempre noong una ay inis na inis ako dahil sa ingay ng mga trabahador na sinasabayan